SUMASAGISAG
SA PAGKAKABUKLOD-BUKLOD NG MGA MAMAMAYAN
ANG ARKO AY SUMASAGISAG SA ENTRADA
O
SIMULA NG PAGPASOK NG BAYAN NG
STA.
CRUZ
ANG PUNONG NIYOG, BUNGA NG NIYOG AT PALAY
AY
SUMASAGISAG SA MGA PANGUNAHING PRODUKTO NG BARANGAY DUHAT.
ANG KASAYSAYAN
Maraming taon na ang nakalilipas, noong
ang Pilipinas ay nasa ilalim pa ng pamamahala ng mga dayuhang Kastila, ang mga
lugar sa Pilipinas ay nahahati at tinataguriang Pueblos.
Ang Pueblo de Sta. Cruz, na isa lamang Parokya ng Bayan ng Lumban ay naging
kaiga-igaya para sa mga Opisyal at Paring Dominicano na panirahan. Ang mga
Lupon naman ng mga pamilya na namimirmihan sa isang lugar ay tinatawag na
balangay, kung saan ang mga pangalan ng balangay ay isinusunod sa pangalan ng
kanilang mga sasakyan pandagat o sa kahoy na kung saan ay niyari ito katulad ng
Balangay Malaruhat.
Sa panahon ng pananakop ng mga dayuhan
ay lalo pang pinaigting ang paniniwalang pang-relihiyon upang ganap na
maipatupad ang politikal na adhikain ng mga dayuhan.
Ang mga Prayle o Dominico na siyang
nangangasiwa sa bawat Parokya ay nag-utos sa mga mananampalataya na maghandog
ng kanilang natatanging ani upang sila ay lalo pang mapalapit sa Diyos.
Sapagkat ninais ng mga taga- Balangay
Malaruhat na mas mapalapit sa Diyos, ay naghandog sila ng kakaibang prutas na
kulay itim at ubod tamis. Naibigan ito ng mga Prayle at itinanong kung anong
prutas ito.Sa pag-aakala ng mga
katutubo na ang itinatanong ay kung saan ito inani ay sumagot sila na sa “Malaruhat”. Natuwa ang mga Prayle at sinabing ito
ay Ruhat. Natakot naman ang mga katutubo at
inakala nila na ito ay isang kautusan na dapat Ruhat lamang ang itawag nila sa
kanilang Balangay na kung saan nila isinunod. Dahil sa kahirapan sa pagbibigkas
ng letrang Rminabuti
ng mga katutubo na gawin na lamang itong DUHAT na
hanggang ngayon ay naging BARANGAY
DUHAT.